Friday, February 8, 2008

POST Wedding Kwento (Part 2)

As promised, here is the continuation of my wedding story....

-October 27 (Wedding Day)-
As I mentioned on my previous post, dumating si Eddie Bruan ng 2am. Kala ko male-late sya, di pala...hehehe. Kasama nya si Norman, Amy at isa pang girl (forgot her name).

Sabi ko muna kina Eddie na ligo lang muna ako. Off I went sa deluxe room at hinayaan ko muna silang mag-setup sa ambassador suite. I asked yung friend ko na abay na bigyang ng chips ahoy cookies at kape sina Eddie (hiya naman ako since ang aga nila at sila ang unang supplier na dumating). After taking a bath which lasted for 10 mins. pumunta na ako ulit sa ambassador suite. Eddie and his team are done eating the cookies and drinking coffee. Natutulog pa yung father, brother at lola ko sa bed ng suite. Ginising ko yung brother ko at sinabi kong lumipat sa deluxe room. Yung father at lola ko naman, hinayaan ko muna matulog sa bed.

Start na nila akong ayusan. Una muna ang makeup. After 30 minutes, yung sister ko (MOH) naman ang inayusan nung girl na magaling sa hairstyles (kalimutan ko na name nya). Then make-up na sya ni Norman.

At 3am, dumating na ang photographer, lightman at videographer from Jun Valbuena. At this time, umalis na yung Papa ko at lola ko since napansin nila na may iba ng tao dun sa room. Lumipat muna sila sa deluxe room namin which is nasa kabilang end ng 15th floor. No choice kami since sabi ng frontdesk na iyon dw ang nireserve ng MP for us.

Since di pa tapos ang pag-makeup at ayos sakin, they started taking pictures nung gown at bridal accessories. Yung souvenir, misalette and bible e nasa room ni hubby which is nasa taas(16th floor). So I asked my younger sister to call the room ni hubby at ng ate nya. Buti naman at sumunod sa akin...hehehe. After a few minutes, dumating na si hubby dala-dala yung iba pang wedding paraphernalia. At that time e inaayusan pa rin ako ni Eddie. That was the last time we saw each other prior sa wedding ceremony.Every once in awhile, kukuha yung Jun Valbuena team ng shots sakin habang inaayusan ako. Around 4am, dumating naman yung back-up photographer ko na si Ami Pulmano. Yikes! Dami ng tao sa room pero carry pa rin since maluwag naman ang suite. A few minutes after, dumating na ang team nila Queen. At that time yung hubby lang nya ang nandun together with other 4 members. May fever pa rin kasi si Queen pero sabi ng hubby nya na diretso na lang si Queen sa church.

Una ginawa ng hubby ni Queen is to get a petty cash so sabi ko sa kanya is to get it from hubby...hehehe. After that, follow-up nila yung breakfast meal sa Chowking. The good thing sa pwesto ng Manila Pavillion is madaming kainan. Mcdo and Chowking are open 24 hours kaya wala kami problema. After a few minutes, dumating na ang breakfast meal na order namin sa chowking. Tapos na rin ako ayusan ni Eddie nun...make-up and hair done. Siguro mga 5am na yun or before 5am. Tagal akong ayusan noh?!


Dahil mejo tense na ako di ko naubos ang breakfast meal ko. Hinihintay na rin ako ng team ni Jun Valbuena para masimulan na ang photo opps sakin. After eating, toothbrush muna ako tapos retouch ako ulit ni Eddie. After that, kinuha na sa akin ng hubby ni Queen yung Photo AVP DVD namin c/o Richel Mascariñas (I won that service on
W@W Auction 2006).

I was wearing a blouse na maluwag sa neckline tapos yung 3/4 na black na cotton pants. I prefer wearing them for my pictorials kaso itong photog ni Valbuena. gusto nya ako naka-bathrobe. Kainis! Ayaw ko nga naka-bathrobe. Hmp! Anyways, pinagbigyan ko na rin. Tutal naman, madaming shots sakin si Ami na di ako naka-bathrobe (buti na lang at may back-up ako).
After they've taken my pictures pumunta muna sila kay hubby para kuhaan sya ng pics at video.
Around 6am, dumating naman ang team ni Fol Rana for our onsite video ( also won this service in
W@W Auction 2006). Good thing is magkakilala yung team ni Fol at ni Valbuena. Nawala sandali yung team ni Fol kasi pumunta naman sila sa room ni hubby. Pagbalik nila, magkasabay na sila ng team Valbuena sa suite. Lagi silang naglolokohan at maingay sa room namin. Kaya panay ang tawa ko. Di ko nararamdaman ang feeling na ikakasal. Kanya-kanya silang instructions sakin kung ano gagawin ko. Haay, kakapagod. May times nga na nanginginig na yung bibig ko dahil ngawit na sa kakangiti... hahahaha!

7:20 na di pa rin tapos magkodakan at kuha ng video ang team nila Valbuena, Fol Rana at si Ami. Sabi ng kasama nila Queen na assigned as the bridal assistant(Jun), kailangan na daw bilisan dahil dapat makaalis kami sa hotel ng 7:30am. Di pa kaya ako nakakabihis nun. So pinaspasan na nila ang pagkuha ng shots at video. May mga shots din dun na kinuha nila while I was talking to my bestfriend sa cellphone. Touched ako at tinawagan nya ako all the way from Dubai. Sayang nga lang at di sya nakapunta.

7:30am, madali na si Jun na bihisan ako. Pinasama na rin nila sa pagtulong yung lola ko para may mga shots sa pics na kasama sya...hahaha. Promise, dami naming pics...as in. After bihisan, may mga pictorials pa rin. Di muna isinuot ni Jun sa akin ang detachable train ko. Sa church na lang dw kasi mabibigatan lang ako at mahihirapan maglakad. Mega instruction na si Jun. Sabi nya sa photogs at video na cut na yung pictorials kasi naghahabol ng oras. So ginawa nila, inabangan na nila ako paglabas ng kwarto. Yung isang videoman ni Fol dun, request na ulitin ko ang lakad kasi ang bilis ko daw...hehehehe.

Pagbaba sa lobby ng MP, nandun na yung relatives ni hubby na part ng entourage. Pati rin yung sa side ko, andun na rin at hinihintay na pala ako. So, picture muna ulit sa lobby na ako lang mag-isa then with my family. Pati yung ibang guest ng hotel na Koreano, nakiki-picture din...ahahaha!


After picture-taking, labas na kami ng MP. We booked our bridal car sa Streetline. Avail namin yung package nila na 5k which is composed of MB E220 (bridal car) at MB van. Hinahanap ko paglabas ng MP yung MB E220. Ang nakita ko is a stretch limo. Wow! Bait naman ng taga-Streetine. Upgrade yung bridal car ko at no extra cost. Salamat din sa team nila Queen kasi kilala ni Queen yung may-ari ng Streetline.

Saglit lang byahe namin. Yung photog ni Valbuena., sumabay sa bridal car. Di ma-traffic since sem break tapos Saturday pa. Kahit bawal ang U-Turn along España na malapit sa Lacson, U-turn pa rin ang driver namin. Astig naman ni manong driver :)


Di pa nagsstart ang march ng entourage when we arrived sa church. Kinakabahan ako kasi di ko alam kung paano maglalakad ng mabagal. Instruction sakin ni Jun na wag dw ako bababa ng car hanggang di nya sinasabi. So, dun lang ako sa loob. Nakita ko si Queen, inaayos nya yung pila ng mga entourage. Binati rin nya ako sa car. Binigyan pa nga nya ako ng bottle of mineral water :) Super alaga nila ako that day.

Yung ibang relatives ni hubby at sa side ko, panay ang open ng pinto at sinisilip ako....hehehe. Yung back-up ko na si Ami, kinuhaan ako ng pics while inside the car. Buti at di masungit si manong driver, hinahayaan lang nya. Inabante pa nga nya ng konti yung car para eksakto dw pagbaba ko sa kotse e nasa gitna dw ako :)


Maya-maya, nag-start na ang entourage march. Hala! Lalo ako kinabahan. Di ko pa rin ma-figureout kung paano ako maglalakad ng mabagal...hehehehe. Nung nag-march na yung papa ko at lola ko, pinababa na ako ni Jun sa bridal car. Tapos tumabi muna kami sa gilid ng entrance since inaayos nila yung detachable train ko pati ang veil.

Unfortunately, di kaya ang closed door grand entrance :( Nagsstuck kasi yung pinto sa carpet so no choice ako kungdi pumasok na naka-open ang door. Anyways, kinakabahan talaga ako nun kasi pinag-iisipan ko pa rin kung paano maglalakad ng mabagal. Ni hindi ko nga narinig yung vocalist ng Sounds Treasure. The Prayer pa naman ang bridal march ko at buti na lang pumayag si Manny(UST Church coordinator) na with vocals ang bridal march :)

Nung mid-way na ako sa aisle ng church, dun na ako sinalubong nga kanya-kanyang cameras from the guests. Kakailang pala yung ganun. Di ko na lang sila pinansin. Papa at lola ko, all smiles sila nung naglakad kami papunta sa altar. Reaching the altar, Randiej is there together with his aunt and uncle. His father died when they were young tapos mother naman nya is in Korea. Nagmano si Randiej sa papa at lola ko. After that, kiss ko naman sila before proceeding sa altar. At that time, di ko talaga naisip na ikakasal ako. Feeling ko is para lang kami nagpeperform ng play...ahahahaha! Weird noh?!

Kasama sa homily ni Father ang mga typo errors sa misalette namin. Na--overlook dw nya na icorrect yun when we present him the draft misalette. Haay...kakahiya tuloy. Nung napuna ni father yung typo-error, scan ko rin yung ibang pages ng misalette. May mga errors din :( After the homliy, di na pinansin ni father yung other errors sa misalette namin. Kasi naman, cramming na ako sa pag-print nyan. Haay...buti na lng the guests didn't make a fuss about the errors.

Nung lightning of the unity candle na- yung candle ko namatay samantalang kay hubby hinde. Nag-isip tuloy ako kung ano ibig sabihin nun. Di naman ako ma-pamahiin na tao pero naisip ko yung ibang nandun sa church na mapamahiin. Siguro kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak nila...hehehehe.

Everything went smoothly apart sa sermon ni father...hehehe. Pinagpapawisan nga lang ako nung nasa altar ako. Kasi naman, ang init ng veil ko. Mejo heavy pa wedding gown ko at petticoat. Tinutok na nga sakin ni Manny yung electric fan kasi napansin nya na panay ang ang punas ko ng tissue sa mukha ko...hehehehe.

Natapos ang mass at nasa portion na ng "You may kiss the bride". Sa isip-isip ko, ang bilis naman matapos ng mass. So kiss na kami ni hubby..in my opinion, matagal yun pero yung mga photog at videographer, di pa dw nila kami nakukuhaan.. .anuvah yun? Di agad naka-standby. So ulit kami ni hubby. Dun ko lang napansin na ang haba pala ng detachable train ko...hehehehe. Naka-cascade sya sa steps ng altar. Ganun din ang veil ko. Ganda nya sa pictures :) After nun, pictorial for our portraits then kay father.

Tapos pictures with the entourage, relatives and friends na. In fairness kay Manny, di na sya ang nag-announce ng order ng pictorial. Yung hubby ni Queen ang nagbibigay instructions sa friend ko na commentator. Matagal ang kodakan namin...hehehe. Normally kasi sa UST, they will only allow you 10-15mins. Siguro, wala kami kasunod na wedding kaya maluwag sila sa amin...buti na lang.

After pictorials, nagbigay na instructions yung hubby ni Queen to wait us outside the Church for throwing of the petals at yung party popper. Galing ni David :) When we went outside, andun na lahat ng tao, waiting for us. Yung paglabas namin sa church is very colorful saka all of our friends, family and relatives were there to greet us :)

As expected, di pa natatapos ang lahat sa puntong iyon...syempre may post wedding pictorial pa kami. Ang init sa labas. Feeling ko nalulusaw na ang make-up ko. Buti na lang anjan si Amy. Pinaiwan sya ni Eddie Bruan para i-retouch ako. Galing! Para tuloy akong artista na puro retouch...hehehehe. While doing the post wedding pictorial, di maiiwasan ang mga UST students na tumingin sa amin pero ok lng. Di ako nailang kasi maganda ako sa make-up ko...hehehehe. Present si Jun na ka-team ni Queen. Lagi syang nakaalalay sakin lalo na sa detachable train at veil ko na super haba.

After the pictorials, diretso na kami sa Oasis. Kasama ko pa rin si Jun na feeling ko e yaya ko that day...hehehe. Andun din sa sasakyan yung isang photog ni Valbuena. Tinanong ko si hubby kung nakatulog sya "oo daw". Swerte naman niya. Sabi ko sa kanya, ako hinde kasi inaalala ko yung 5R pic na dapat ilalagay sa signature frame na nakalimutan ko :(


(last part to follow....)
Post a Comment