Friday, February 8, 2008

POST Wedding Kwento (Part 1)

I was not able to write anything yesterday since I had a headache and I couldn't think straight. Nothing inspires me to write at that time.

Today, I'm still thinking of what to write...hmmm...then I caught a glimpse of our wedding photo here at my office desk.

Relieving our wedding day and all the preparations we've been through made me smile and realize how much we've accomplished together to make our dream wedding a SUCCESS.

Since I already shared this story to fellow W@Wies last year, I'm going to repost this again for N@Wies. This is awfully long so I will have to divide it in 3 parts (Pre-Wedding, Wedding Day and At the Reception) =P


PRE-WEDDING PREPARATION

-October 25-

I was able to take a leave for this day and for the 26th since our wedding is Oct 27. During this day, I went to my grandmother's house in Dasma Cavite in order to print our misalette covers and the body of the misalette itself. Kakainis since UST church gave their approval of our draft misalette last Oct. 21. We submitted that misalette draft to their office last Sept. 30 where we have our canonical interview. The reason kung bakit late na nilang nabigay yung approved misalette is beause the priest who will conduct our wedding is busy with other parish matters. Di naman namin alam na the church is preparing for a feast (forgot the feast celebration) .

Anyways, super cramming na ako nun tapos naubos pa ang ink ng printer. Haay, no choice for me but to buy the ink and continue with the printing. At that day, we have a meeting with Queen of JLO. I actually asked her to moved at 8pm since 5pm e nasa Dasma Cavite pa ako. Sobrang stress sakin ang day na ito but I have no choice kungdi tapusin ang misalette. Otherwise, walang gagamitin na misalette ang mga pupunta sa church.

I was able to finish all of it before 6pm. At around 6pm umalis na ako sa Cavite. Dumaan pa ako sa bahay namin sa Parañaque to get the contracts requested by Queen.

Salamat naman at nakadating ako ng 8pm sa Mcdo sa may People Support. Andun na si Queen together with his hubby. Si hubby ko naman was on his way pa lang from his home sa QC. Busy sya sa paglagay ng tags sa souvenirs namin. Kasi ba naman, tagal ko na syang sinabihan na ilagay na ang tags e nagpetiks-petiks pa kaya ayun, cramming din sya.

We turn-oner the contracts to Queen, the list of our suppliers and their contact information. Binigyan rin namin sila ng copy ng misalette..kahit wala pa yung cover, pati na rin yung invitation namin.
Nahalata nga nila Queen na haggard na kami ni hubby...hehehe. At the same time, nagiging sarcastic na rin ako kay hubby at masungit...hehehe. Napuna rin iyon nila Queen and she told me na parang sila dw ng hubby nya during the wedding preps.

After the meeting, which lasted for an hour, umalis si Queen together with his hubby para magpa-checkup sa Makati Med since at that time e nilalagnat si Queen at takot sya baka dengue. Kami naman ni hubby is nagstay for 30 minutes kasi wala pa akong dinner nun. After eating, binigay ko na kay hubby ang misalette covers at yung misallete itself. We call it a day (whew!).

-October 26-

I can say na ang pag-cramming ko at ni hubby nung 25 e patikim pa lang ...hehehe. Dahil on the 26th itself mas sobrang cramming ang ginawa namin. I scheduled an appointment with Eddie Bruan para sa hotoil ko, pedicure at manicure. Unfortunately, di nakasama si hubby para sa free haircut nya kasi busy nyang tinatapos ang pag-assemble ng misalette namin. Ewan ko ba naman sa taong iyon at ayaw magpatulong sa sister at cousins nya. So punta ako kay Eddie ng 11am. Buti na lang at 1 hour lang, tapos na ang hotoil, pedicure at manicure...Bilis noh?!. After that supposedly e pupunta ako sa bahay namin para ayusin ang mga dadalhin na gamit sa hotel pero tinawagan ako ni hubby sa cp ko asking me na pumunta sa bahay nila instead para samahan ang ate nya at yung nieces nya para check-in sa Manila Pavillion at dalhin na rin ang mga souvenirs. Nag-taxi na ako papunta kina hubby. Nasa 150 ata binayad ko dun dahil yung driver ng taxi e nag-edsa ang daan. Sa Laloma, QC nakatira si hubby. Kainis pa ang driver kasi pati personal life at private matters kinikwento nya.

Nakadating din ako kina hubby at inayos na namin ang dadalhin sa hotel. Nakadating kami sa Manila Pavillion ng 4pm. Nagulat ako at pag-checkin namin e kinukuha na pala ng MP lahat ng bayad for the rooms including the security deposit. Naku po, di ako prepared. Patay ang budget namin ni H2B pero no choice ako, declined ang credit card ko when I tried na i-charge yung ibang rooms. Iniwan ko yung sister-in-law ko with her 2 daughters sa hotel at umuwi na ako samin. Nakauwi siguro ako ng mga 6pm.

Pagdating ko sa amin kumain ako ng dinner at mabilisan akong nag-ayos nga mga dadalhin sa hotel. Bago pa ako dumiretso ng hotel, kailangan ko pang mag-drop by kay Jorge Palmos to pick-up my gown and bridal accesories. Pati rin yung mannequin form na hiniram ko kailangan ko rin kunin (whew!).

Nakadating na siguro kami sa Manila Pavillion together with my 2 younger siblings around 8:30pm. Pagdating nga namin sa hotel, kainis yung driver ng taxi. Di man lang ako tinulungan. Dami naming bitbit. Yung box na pinaglalagyan ng mga pillows at petticoat ko, natanggal ang tali. Yung mannequin form ko iniwan ko lang sa sidewalk. Tapos yung ibang gamit pakalat-kalat lang din sa sidewalk. Haay naku talaga. Bwisit na driver yun at di kami tinulungan. Nagusot tuloy yung gown ko. Hmp! Sabi tuloy ng younger brother ko na nakakahiya dw kami eh do I have a choice na magpa-poise pa eh sumibat na si driver. Buti na lang at may dumating na bellboy at tinulungan kami.

Pagdating sa 15th floor, iniwan ko muna yung bellboy with my siblings. Kukunin ko sa 16th floor yung susi since dun yung rooms nina hubby. pagdating sa 1608 na room, walang sumasagot. Yun pala, kumain sa labas yung sister-in-law ko. Tinawagan ko si hubby para tawagan nya si SIL. Buti na lang at dumating kaagad. So baba kami ng 1507 at itinabi muna ang mga gamit. Yung mga kapatid ko tuwang-tuwa sa room kasi malaki (ambassador suite). Picture galore silang dalawa at ang role ko e maging photographer. ..hehehe. Mga past 9pm, dumating na si SIL kasama yung cousins nila na babae. Tinulungan nila ako iset-up yung gown ko sa mannequin form. Di pa nga magkasya si gown sa mannequin. Naisip ko tuloy na dapat XS ang mannequin ko...hehehe. After iset-up yung gown, binigay ko rin sa kanila yung ibang misalette na wala pang ribbons as binder. Naubusan kasi si hubby ng ribbon. Buti na lang at may extra ribbon pa ako na pwede gamitin. Binigay ko rin yung sticker names na ilalagay sa labas ng box for the Male PS gifts.
I was checking the items na dala ko kung may nakalimutan ko ng maalala ko na di ko nadala yung Photo AVP namin na ginawa ni Ritchel Mascariñas. Tinawagan at text ko sister ko na kunin sa drawer sa bahay. Buti na lang at di pa sila naalis nun.
A few minutes, tumawag na sa akin si Queen asking our room number at syempre yung zoning ng tables for the reception. Nabigay ko na sa kanya ang room numbers kaso di ko pamibigay yung zoning ng mga guests. Haay...nawala na ata ako sa sarili ko nun.

Dumating na ang father, sister, brother at lola ko. Iniwan ko na sila sa ambassador suite. dala na rin ng sis ko yung Photo AVP na disc...haaay. ..salamat naman.
Nabigay ko na kay Queen yung guests zoning ng mga 11:30pm ng gabi. At that time, natutulog na dapat ako kaso di ko magawa. Call time ko pa naman kay Eddie is 2am (aga noh?!). Morning wedding kasi kami kaya no choice. Around 12midnight, dumating na ang 2 Secondary Sponsors ko. Natulog kami sa other room na deluxe with my sister which is my MOH. Ang natulog sa suite is yung father ko, brother ko, grandmother at yung 2 younger siblings ko.
Di talaga ako makatulog. Pinainom ako ng friend ko (abay) ng bearbrand. Di pa rin ako makatulog ng maayos. 12:30am na...yikes! Saka ko naalala na wala pala kaming 5R pic na ilalagay sa signature frame...haaay. ..ang malas. Putol-putop tulog ko. Tipong idlip lang nga mga 10-15 mins. Yung 2 abay, di rin nakatulog. Naririnig ko na nagkkwentuhan sila at bumaba papauntang 7-11 para bumili ng food.
1:30am, di na talaga ako makatulog, gumising na ako. Kwnetuhan lang kami ng mga abay together with my sister. 2am, dumating yung bunso kong kapatid at sabi nya na anjan na dw yung magma-makeup sa ambassador suite. Yikes! Ang aga talaga ni Eddie Bruan....always on time :)

(to be continued)...
Post a Comment